MABUBUTING KAUGAKIAN NG MGA PILIPINO
PAGTITIWALA SA MAYKAPAL
Malaki an gating tiwala sa Poong Maykapal. Naniniwala tayo sa mga biyaya at patnubay ng ating Panginoon. Nagpapasalamat tayo sa mga ibinigay Niyang biyaya sa atin. Nagdarasal tayo na pangalagaan Niya tayo.
Nakita ang ating pagtitiwala sa Maykapal sa oras ng kagipitan o problema. Nang magkaroon ng rebolusyon sa EDSA, nagdasal ang mga tao.
PAGBUBUKLOD NG MAG-ANAK
Malapit sa isa't isa ang bawat kasapi ng mag-anak na Pilipino. Matibay ang pagbubuklod-buklod ng ating pamilya. Madalas dumalaw ang mga anak sa mga magulang kahit na nag-asawa na sila.
PAGKAMATULUNGIN
Ang bayanihan o palusong ang tawag na iba rito. Ang pagtutulungang ito ay isang katangi-tanging ugali natin. Nakatutulong ito sa pag-unlad ng ating pamumuhay. Sama-sama tayong nagtutulungan sa pagtatanim upang maging masagana ang ating ani. Nagtutulungan din ang mga kasapi ng barangay na mapaayos at mapaganda ang kanilang lugar. Nagtutulungan din tayo sa panahon ng sakuna at kalamidad.
PAGGALANG
Ang pagpapahalaga natin sa ating kapwa ay nakikita sa paggalang sa kanila, lalo na sa matatanda. Iba't iba ang paraan ng paggalang natin. Nagmamano tayo sa mga nakatatanda. Gumagamit tayo ng mga magagalang na salita gaya ng po at opo. Gumagamit tayo ng mga magagalang na pantawag tulad ng ate, kuya, manong o manang. Ang iba ay tinatawag naman natin ng Ma'am o Sir, Aling o Mamang kasunod ang kanilang pangalan.
Ipinakikita rin natin ang ating paggalang kung tayo ay paalis o dumating. Nagpapaalam tayo kung aalis. Bumabati naman tayo kapag dumating. Ang pagmamano o paghalik sa kamay ng matatanda ay isa sa pinakamagandang kaugalian ng mga Pilipino.
Sa ating mga Pilipino, mahalaga ang paggalang sa kapwa. Ang bawat tao ay ating iginagalang anuman ang katayuan niya sa buhay. Siya ay ating pinakikitunguhang mabuti.
Lahat ng tao ay pantay pantay, bata man o matanda, mahirap man o mayaman. Bawat isa sa atin ay dapat nagpapahalaga sa ating kapwa. Ito ang dahilan kung bakit dapat igalang natin ang bawat isa. Ang paggalang ay naipakikita natin sa iba't ibang pagkakataon. Ito ay nakatutulong upang bumuti ang ating pagsasamahan. Nakatutulong ito upang tayo ay magkabuklod-buklod.
MALUGOD NA PAGTANGGAP NG BISITA
Ang ating pagpapahalaga sa ating kapwa ay nakikita rin sa ating mabuting pagtanggap sa mga bisita. Ibig nating masiyahan sila.
Pinapakain natin sila ng meryenda o anumang pagkaing ating naihahanda. Kung sila'y galing sa malayong lugar, inaanyayahan natin silang matulog sa ating tahanan. Minsan, nagpapadala pa tayo ng mga regalo o pabaon bago sila umalis.
PAMANHIKAN
Pamanhikan, ang paghingi sa kamay ng nobya sa kanyang mga magulang ay isa ring nakaugalian ng mga Pilipino.
PAG-ALALA SA MGA YUMAO
Ang pag-alala sa mga yumao na mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagpapadasal sa kanila ay nakaugalian na rin at marami pang iba.
Source: http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_kaugalian_ng_mga_Pilipino